They say that dog is man's best friend and i can say yes to that. They are the most effective guards especially at night. However, sometimes instead of being helpful, nakakairita din ang ingay nila pag gabi.
We have 2 dogs at home. We call them Marky (Red) and Pula (White). They were with us for almost four years and they can be trusted when it comes to taking charge of home security at night and even at daytime.
Since the birth of our second child Bos, i felt the obligation to attend to his night time necessities such as changing diapers, bottle feeding, and even singing him to sleep (and its where i really excel! really!). Those who had experienced having to nurse a newborn at night knows that you will really need cups and cups and cups of coffee to be awake.
I've been up till morning for two weeks already. I took the initiative to look for Bos at night so that my wife will have the time to recuperate well from a delicate pregnancy. She needs to be relieved from stress and strenuous movement after pregnancy. Mahirap na baka mabinat, she still have to go back to work in two months time.(I bet she's very lucky to have found a husband like me di ba? o, kokontra ka pa eh!)
So, after i close my shop (around 10-11 pm) i then report to my next duty.Minsan pag hindi na makayanan ang antok, nakakakatulog na lang ako habang pinapadede ang bata. So imbes na makatulog ng mahimbing, magigising ako bigla sa iyak ng bata dahil nag lungad na dahil hindi ko pala napa burp!
Nakaka adjust na sana ako sa ganung routine but lately, nabubuwisit ako dahil maya't maya ang ingay ng mga aso.Nag aaway pa dun mismo sa tapat ng kuwarto namin.
Ang kuwarto namin is on the back portion of the house. Aba! anong ginagawa nila sa gabi at dun sila nagbabantay sa likod-bahay na dapat ay dun sila sa gate or sa harap nng main na pinto or dili kaya ay rumuronda! (Naranasan po ng inyong lingkod na mag guwardiya noong madatung nagbabarko pa ito kaya alam nito ang dapat at hindi dapat kapag nagbabantay!) maya't maya ang away nila at sa wari ko ay may ibang aso silang kaaway. Everytime na magrarambol sila, ganun din ang iyak ng bata dahil nagitla at naabala sa pagkahimbing.
Kinaumagahan, habang may muta pa papungas pungas ay hinanap ko ang dalawa para mabigyan ng leksiyon sa panggugulo nung gabi. Tamang tama naman paglabas ko ay may kaaway na naman sila. Actually itong si Marky lang ang nang aaway ng mga lalaking aso na pumapasok sa bakuran namin habang si Pula ay nasa sulok at waring nanonood lang. Nung araw na yun, panay ang pakikipag away ni Marky at napansin ko na lahat ng aso na pumapasok ay puro lalaki at puro aso sa neighborhood. Syempre matapang si Marky tulad ng amo (misis ko) winner siya palagi. Kung hindi duguan ay papilay pilay na tumatakbo palayo ang mga intruders. It seems that meron siyang pinuprotektahan at ala-Knight in the Shining Armor and role niya.
Napansin ko din sa Marky na to, laging nakabuntot kay Pula kung saan man ito pumunta. This curious mind of mine started to took notice of this peculiar behavior and i started observing (hima sa umaga and the Bos is sleeping kaya i have the luxury of time). Maya maya pa nakita ko sa likod ng bahay itong si Marky ay akmang papatong sa likod ni Pula and started to make his way behind Pula. Itong Pula naman ay parang pabaya lang na parang sinasabi na "O ayan na ang reward mo sa pagiging macho gwapito na bodyguard ko. Go on.. reap the fruits of you labor.." Kaso napansin nila akong namboboso nakatingin kaya hindi natuloy ang action. Nahiya siguro o baka hindi lang makapag concentrate kung may nanonood.
Biglang may bumbilyang nagbukas sa ulo ko.(Kung mahina pik-ap nyo, ibig sabihin nun i was enlightened!). Ito palang si Pula ay in heat. And according sa Animal Science class ko nung nagbubulakbol nag-aaral pa ako sa YUPI ELBI, kapag in heat ang isang hayop, mayroon silang hormones (sort of) na kinakalat sa hangin sending a message na "I am in heat... you are invited to join me in a party!" parang ganun... so ito namang mga male eh tulo laway pagkaamoy ng invitation kaya sugod agad. "Yes! libre kain na naman to!"
Eh ito namang Marky, dahil nga partner niya si Pula, ang lahat ng lalaking aso na lumapit ay inaaway. Siyempre kahit sino ba namang lalaki, pag partner na niya ang kinatalo... aba patayan na! Iningat ingatan mo ng matagal tapos ang iba pa ang makikinabang!
Naalala ko nung nakaraan na mag in-heat itong si Pula ay kawawa ang sinapit sa kamay ng kung sino sinong barakong aso na lumapit sa bahay. Dahil ang lahat ng pumupunta ay nakakatikim ng libre at take note... pinipilahan siya. Pagkatapos ng isa ay may mga nakaabang na waring nag aaway kung sino ang susunod. Ang kawawang Pula ay walang magawa kundi pagbigyan ang kahayukan ng mga tampalasan! At that time itong si Marky ay hindi pa na eestablished ang pagiging dominant male sa neighborhood at walang magawa para ma i rescue ang kanyang damsel in distress. Ang kahayupang iyon ay nagbunga ng apat na cutecute na mga tuta at hindi ko na maalala kung sino sino ang mga pinagbigyan namin nun.
Kaya pala siguro this time ay ganun na lang ang pagtatanggol niya sa partner. Imbes na paghahambalusin ko naghanap na lang ako ng kaning lamig sa kusina at pinakain ng almusal para naman magkaroon pa ng extrang lakas para mas maipagtanggol niya ang kanyang beloved Pula and at the same time ay makapagbantay ng maayos sa bahay.
Doon ko napagtanto na hayop mang ituring ang aso, may mga behavior din na katulad ng isang tao. At meron din naman na tao kung tinuringan pero masahol pa sa aso ang pag-uugali.
Monday, April 27, 2009
Doggy Doggy Baw Waw!
isa na namang kabalbalan ni ztirfps nagkalat kaninang 12:31 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment