its already past 12 midnight pero andito pa rin ako sa shop nakaupo habang nananakit na ang mga mata sa kakatutok sa monitor habang nanonood ng porno naghihintay na matapos ang mga naglalaro ng Dota. ganito ako halos araw araw, pasado alas dose na kung makauwi ng bahay.
habang nakaupo sa aking swivel chair at feeling prisedente ng kumpanya manedyer ang drama ko, napansin ko na naman ang aking bilbil na sa wari ko ay lumalaki araw araw. feeling ko bundat na bundat na ako.
nito kasing mga nakaraang araw, panay ang panginginain ko kahit na anong pagpipigil ko parang useless lang din ang mga ilang buwan kong pag i-istar gazing kahit tanghaling tapat dahil nga tinitiis ang gutom para lang magbawas ng timbang at laki ng baby farts fats(o baka naman wala ka nang makain? paepek ka pa!) kaya pala siguro lagi akong nahihilo noon. kala ko pa naman ako ang naglilihi dahil nga buntis si kumander (hayan lumabas din ang kulay! feel na feel magbuntis!). meron daw kasi ganoong instances lalo na kapag hinakbangan ka ng isang buntis habang natutulog ka.
paano ba naman kasi, nag leave si misis sa trabaho for 2 weeks dahil schedule na niya ng forced leave. obligado akong umuwi ng bahay every eating time and also, nakakauwi ako pag hapon at nakakapagluto ng kung ano anong leftover meryendang available sa loob ng ref at ibabaw ng lababo. we also have free time para makapag gala gala dahil bakasyon na rin at ang estudyante namin ang siyang nagbabantay ng shop habang wala kami. sabayan din ng bulinggit namin na na adik na yata sa Smokey's Hotdog at lagi na lang nagyayaya or kung minsan naman sa Jollibee o kaya sa Chowking. sa ganitong mga pagkakataon, parang nagsisisi ako kung bakit pa nagpatayo ng ganitong mga establisyimento sa lugar namin. kawawa na naman kasi ang bulsa ko at laspag na laspag na.
timing din ang birthday ni misis kahapon. para makaiwas gastos, nagluto na lang kami ng mga babaunin sa beach para doon mag celebrate. since summer na, timing din para makapag enjoy naman kami with nature and sun. Kaso mas napagastos pa yata kami dahil sa nirentahang sasakyan at dagdagan pa ng anak namin at mga pinsan niya na nagsipaghiritang kumanta sa de hulog ne bidyoke doon sa resort. hayun at namayat ang coin furs fours force purse ni misis. ok din naman kahit paano dahil proud na proud kami habang ang ibang nandoon ay nakanganga na lang habang nakikinig sa mga bata na kung maka iskor ay 99 kada kanta. palibhasa may pinagmanahan (at siguradong hindi sa akin, malas lang nila kung nagkataon!). tapos kanina naman, galing kami sa bahay ng younger sister ni misis dahil birthday celebration din niya. as usual, nagsipaglamunan na naman. tuwang tuwa ang mga bulate ko sa tyan, nabusog ng libre.
Speaking of birthdays, alam nyo ba na sina misis ay very intriguing ang mga birthdays? silang magkakapatid ay halos 1 year and 1 day lang agwat sa isat isa. yes. ang eldest sister nila misis (died several days after delivery) ay April 3, 1978 pinanganak, my wife's birthday is April 4, 1979 then sinundan ng younger sister niya na April 5,1980 tapos ang youngest and only brother nila is May 7,1981(pero according sa aking ina-sa-batas/mother-in-law, dapat ay April 7 talaga ang due date niya kaso nagkaroon ng complications kaya umabot ng 1 buwan ang labor niya na labaspasok sa hospital.
kung magkataon, etong ipinagbubuntis ni misis ay maihilera din sa mga birthdays nila since due na rin ng upcoming bulinggit namin na lumabas anytime from now.
hanep no? magkasunod sunod in every year! hands down ako sa aking ama-sa-batas dahil talaga namang napaka! as in timing pa! may kasabihan nga "Pagbubuntis lang ang pahinga" hehehe! kung buhay lang sana siya(sumalangit nawa!) magpapaturo ako ng tekniks. pero okay na rin sigurong namayapa na siya dahil baka na experience ko pang habulin ng itak noong nililigawan ko pa ang anak niya. dad, wag mo akong multuhin ha, labs na labs ko naman ang bebe mo eh. peksman!
walang wenta na tong pinagsusulat ko! bangag antok lang siguro ako kaya hindi makapag isip ng matino.
o sha! sa nagsipaglayasan a rin sa wakas ang aking mga loyal kustumer. sa sunod na lang ulit. magku close na ako ng shop at tumitilaok na ang mga manok! alas dos y medya na ng madaling araw.
eto nga pala mga kuha namin nung birthday ni misis.
Monday, April 6, 2009
Happy Bertday ka ba Tyan?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Pre, thats one Big baby coming up. Congratulations! We used to talk about that in our inuman sessions. Remember? "if only maputos lang, then deliver lang sa LBC", then Frits Junior II would have been born much earlier. But time just flew so fast, suddenly, its here na. Wish you guys all the Blessings. We will pray for you. Btw, im so glad to see some meat on your cheeks Pre. hehehehe.
ReplyDelete